Jn 6:35, Jn 7:37-39, Pahayag 21:5-6, Pahayag 22:17

Sa Lumang Tipan, nangako ang Diyos na ibibigay sa atin ang tubig ng buhay nang libre. ( Isa 55:1 )

Isa 55:1 Lumapit kayo, ang bawat isang nauuhaw, magsiparito kayo sa tubig! At kayo na walang salapi, bumili kayo at kumain! Halikayo, bumili kayo ng alak at gatas na walang pera at walang bayad.

Sinabi ni Hesus na siya ang tinapay ng buhay at ang mga naniniwala sa kanya ay hindi na mauuhaw kailanman. (Juan 6:35)

Juan 6:35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay, ang lalapit sa akin ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.

Nangako rin si Jesus na ibubuhos niya ang Banal na Espiritu sa mga naniniwala na si Jesus ang Kristo. (Juan 7:37-39)

Juan 7:37 Ngayon sa huling araw, ang dakilang araw ng kapistahan, tumayo si Jesus at sumigaw na nagsasabi, “Kung sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom. 38 Kung sino ang sumampalataya sa akin, gaya ng sinabi ng kasulatan, mula sa kaniya dadaloy ang mga ilog ng tubig na buhay. 39 Ngunit sinabi niya ito tungkol sa Espiritu na tatanggapin ng mga mananampalataya sa kaniya; ang Espiritu ay hindi pa naibibigay dahil si Jesus ay hindi pa nalululwalhati.

Binibigyan tayo ng Diyos ng tubig ng buhay. (Pahayag 21:5-6)

Pahayag 21:5 Siya na nakaupo sa trono ay sinabing, “Tingnan mo! Ginawa kong bago ang lahat ng mga bagay.” Sinabi niya, “Isulat mo ito dahil ang mga salitang ito ay mapagkakatiwalaan at totoo. 6 Sinabi niya sa akin, “Ang mga bagay ng ito ay tapos na, Ako ang Alpa at ang Omega, ang simula at ang katapusan. Sa sinumang nauuhaw ay bibigyan ko ng inuming walang bayad mula sa bukal ng tubig ng buhay.

Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay din sa atin ng tubig ng buhay. (Pahayag 22:17)

Pahayag 22:17 Sinasabi ng Espiritu at ng Babaeng ikakasal, “Halika! Hayaang sabihin ng nakaririnig, “Halika!” Sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit, at sinuman ang nagnanais nito, hayaan siya na malayang magkaroon ng tubig ng buhay.