Ex 34:6, Aw 25:10, Aw 26:3, Aw 40:10, Jn 14:6, Jn 8:32, Jn 1:17
Ang katotohanan at biyaya ay mga katangiang mayroon lamang ang Diyos. (Exo 34:6, Aw 25:10, Aw 26:3, Aw 40:10)
Exo 34:6 Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
Aw 25:10 Ang lahat ng mga landas ni Yahweh ay ginawa mula sa katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan sa mga nag-iingat ng kanyang tipan at kanyang mga tapat na kautusan.
Aw 26:3 Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay nasa harap ng aking mga mata, at ako ay lumalakad sa iyong katotohanan.
Aw 40:10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa aking puso; inihayag ko ang iyong katapatan at kaligtasan; hindi ko itinago ang iyong katapatan sa tipan o iyong pagiging mapagkakatiwalaan sa malaking pagtitipon.
Si Kristo, tulad ng Diyos, ay puno ng katotohanan at biyaya. (Jn 1:14, Jn 1:17)
Jn 1:14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.
Jn 1:17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Si Jesus ang tunay na katotohanan, ang Kristo, na nagpapalaya sa atin. (Juan 8:32)
Juan 8:32 at malalaman ninyo ang katotohan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.