Ex 33:20, Mt 11:27, 1 Tim 6:16, Aw 2:7, Jn 3:16, 1 Jn 4:9

Walang sinuman sa mundo ang nakakita sa Diyos. Kapag nakita ng isang tao ang Diyos, siya ay namamatay. ( Exo 33:20, 1 Tim 6:16 )

Exo 33:20 Pero sinabi ni Yahweh, “Hindi mo maaring makita ang aking mukha, dahil walang sinuman ang maaaring makakita sa akin at mabuhay.”

1 Tim 6:16 Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa hindi malapitang liwanag. Walang sinumang tao na nakakita sa kaniya o kaya ay may kakayahang makita siya. Sa kaniya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen.

Ngunit ang bugtong na Diyos na kasama ng Diyos ay nagpakita sa atin. Iyan ay si Hesus. (Aw 2:7, Jn 1:18, Mt 11:27)

Aw 2:7 Ihahayag ko ang kautusan ni Yahweh. Sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking anak! Ngayong araw, ako ay naging iyong ama.

Jn 1:18 Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.

Mt 11:27 Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking ama. At walang nakakikilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakikilala sa Ama maliban sa Anak, at sa kahit sinuman na naisin ng Anak na ihayag ang Ama.

Ipinadala ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak sa mundong ito upang iligtas tayo. (Jn 3:16, 1 Jn 4:9)

Jn 3:16 Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

1 Jn 4:9 Sa pamamagitan nito ang pag-ibig ng Diyos ay nahayag sa atin, na pinadala ng Diyos ang kanyang bugtong na anak sa mundo upang tayo ay maaring mabuhay sa pamamagitan niya.