Ex 12:3, Ex 29:38-39, Gawa 8:31-35, Isa 53:5-11, Rev 5:6-7,12,
Sa Lumang Tipan, sinabi sa atin ng Diyos na maglagay ng dugo ng kordero sa mga poste ng pinto at kumain ng karne sa Paskuwa. Ito ang pagpapakita ng Diyos sa kung ano ang ibubuhos ni Kristo para sa atin sa hinaharap. (Exo 12:3)
Ex 12:3 Sabihan ang kapulungan ng Israel, 'Sa ikasampung araw ng buwan na ito dapat kumuha ang bawat isa ng isang tupa o batang kambing para sa kanilang mga sarili, gagawin ito ng bawat pamilya, isang tupa para sa bawat sambahayan.
Sa Lumang Tipan, isang tupa ang inialay bilang hain sa Diyos para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Ito ang pagpapakita ng Diyos na si Kristo ay iaalay para sa atin sa hinaharap. ( Exo 29:38-39 )
Ex 29:38 Dapat kang maghandog palagi ng dalawang tupa na isang taon ang gulang doon sa altar araw-araw. 39 Dapat kang maghandog ng isang tupa sa umaga, at ang isang tupa ay ihandog mo sa paglubog ng araw.
Gayundin sa Lumang Tipan ay inihula na si Kristo ay dadalhin palayo tulad ng isang Kordero upang mamatay para sa ating mga kasalanan. ( Isa 53:5-11 )
Isa 53:5 Pero sinaksak siya dahil sa ating mga ginawang paghihimagsik; nadurog siya dahil sa ating mga kasalanan. Ang kaparusahan para sa ating kapayapaan ay nasa kanya, at pinagaling niya tayo sa pamamagitan ng kanyang mga sugat. 6 Tayong lahat ay gaya ng mga tupang ligaw; ang bawat isa ay nagkanya-kanyang daan, at ipinataw sa kanya ni Yahweh ang kasamaan nating lahat. 7 Siya ay pinahirapan; gayun man nang nagpakumbaba siya, hindi niya ibinuka ang kanyang bibig, gaya ng isang kordero na dinadala sa katayan, at gaya ng tupa na bago ito gupitan ay tahimik, kaya hindi niya ibinuka ang kanyang bibig. 8 Sa pamamagitan ng pamimilit at paghuhusga siya ay hinatulan; sino mula sa henerasyon iyon ang nakaalala pa sa kanya? Pero siya ay nahiwalay mula sa lupain ng mga buhay; dahil sa mga kasalanan ng aking bayan ay ipinataw sa kanya ang parusa. 9 Sinadya nilang gumawa ng libingan para sa kanya kasama ang mga pumapatay, kasama ang isang mayaman sa kanyang kamatayan, kahit na hindi siya nakagawa ng anumang karahasan, ni nagkaroon ng anumang pandaraya sa kanyang bibig. 10 Ito ay kalooban ni Yahweh para durugin siya at gawin siyang masama; at kung ginagawa niyang handog ang kanyang buhay para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang mga anak, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kalooban ni Yahweh ay matutupad sa pamamagitan niya. 11 Pagkatapos niyang magdusa, makikita niya at masisiyahan sa pamamagitan ng kaalaman kung ano ang kanyang nagawa. Ang aking matuwid na lingkod ay ipawawalang-sala ang marami; dadalhin niya ang kanilang kasamaan.
Si Kristo ay dumating sa mundong ito. Alam ni Juan na si Jesus ang Kristo. Kaya nga tinawag ni Juan si Hesus na Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. (Juan 1:29)
Jn 1:29 Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, “Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo!
Ipinaliwanag ni Felipe na si Jesus ang Kristo sa isang lalaking nakabasa ng Isaias ngunit hindi nakaunawa (Mga Gawa 8:31-35)
Mga Gawa 8:31 Sumagot ang taga-Ethiopia, “Paano ko maiintindihan, maliban kung may magtuturo sa akin?” Nakiusap siya kay Felipe na umakyat sa karwahe at umupo sa tabi niya. 32 Ito ang bahagi ng kasulatan na binabasa ng taga Ethopia, “Siya ay tulad ng tupa na dinala sa bahay katayan; at tulad ng isang kordero sa harap ng manggugupit na tahimik, hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig: 33 Sa kaniyang kahihiyan kinuha sa kaniya ang katarungan: sino ang magpapahayag sa kaniyang salinlahi? sapagkat ang kaniyang buhay ay kinuha mula sa mundong ito.” 34 Kaya nagtanongang eunoko kay Felipe, at sinabi, “Nakikiusap ako sa iyo sino ang tinutukoy ng propeta? ang kaniyang sarili ba mismo o ibang tao?” 35 Nagsimulang magsalita si Felipe; Nagsimula siya sa kasulatan ni Isaias upang ipangaral si Jesus sa kaniya.
Si Hesus ang Kristo, ang Kordero ng Diyos na namatay para sa ating mga kasalanan. ( Apoc 5:6-7,12 )
Apoc 5:6 Sa pagitan ng trono at ng apat na buhay na mga nilalang at sa kalagitnaan ng mga nakatatanda, nakita ko ang isang Kordero na nakatayo, nagmamasid na kahit siya ay pinatay. Mayroon siyang pitong mga sungay at pitong mga mata — ito ay ang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa lahat ng dako ng lupa. 7 Pumunta siya at kinuha ang balumbon mula sa kanang kamay ng isa na siyang nakaupo sa trono.
12 Kanilang sinabi sa malakas na tinig, “Karapat-dapat ang Kordero na pinatay na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan.”