Jn 1:41 Una niyang nakita ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, “Nakita na namin ang Mesias,” (na sinalin na, 'ang Cristo').
45 Natagpuan ni Felipe si Nathanael at sinabi sa kaniya, “Ang siyang naisulat sa kaustusan ni Moises at ng mga propeta - ay nakita namin, si Jesus na taga-Nazaret na anak ni Jose.”

Ang kahulugan ng Mesiyas ay ang Pinahiran. Kung gayon sino ang pinahiran sa lumang tipan? pinahiran ng langis ang mga hari, saserdote, at mga propeta.

(hari, propeta) 1 Hari 19:16 at itatalaga mo si Jehu anak ni Nimshi na maging hari sa Israel, at itatalaga mo si Eliseo anak na lalaki ni Shafat ng Abel Mehola na maging propeta kapalit mo.

(saserdote) Ex 29:7 Pagkatapos kumuha ng pambasbas na langis at ibuhos sa kaniyang ulo, at sa ganitong paraan siya babasbasan.

Ang ibig sabihin ng "Jesus is the Christ" ay si Hesus ang tunay na Hari, at ang tunay na Pari, at ang tunay na Propeta.

Si Jesus ang tunay na Hari, na sinira ang ulo ni Satanas. ( 1Jn 3:8 )

1Jn 3:8 Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.

Si Hesus ang tunay na Pari, na namatay sa krus para sa pagpapatawad sa ating mga kasalanan. (Marcos 10:45)

Marcos 10:45 Sapagkat hindi dumating ang Anak ng Tao upang paglingkuran, ngunit upang maglingkod at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang katubusan ng lahat.”

Si Jesus ang tunay na Propeta, na siyang daan upang makatagpo ang Diyos. (Jn 14:6)

Jn 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.

Gawa 4:27 Totoong kapwa sina Herod at Poncio Pilato, kasama ang mga Gentil at ang mga Israelita ay nagtipon-tipon sa lungsod na ito laban sa inyong banal na lingkod na si Jesus, na inyong pinili.

Tinapos ni Hesus ang gawain ni Kristo sa krus! (Juan 19:30)

Juan 19:30 Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.