Isa 49:6, Isa 42:6, Isa 56:8, Isa 52:13-15, Mic 4:2, Zac 8:23, Mt 8:11, Jn 11:51-52, Jn 17:20, Act 10:45, Gawa 11:18, Gawa 13:46
Sa Lumang Tipan ay inihula na ililigtas ni Kristo ang mga Hentil. (Isa 49:6, Isa 42:6, Isa 56:8, Isa 52:13-15, Mic 4:2, Zac 8:23)
Isa 49:6 Sinasabi niya, “Maliit na bagay para sa iyo na maging aking lingkod para itatag muli ang mga tribo ni Jacob, at ibalik ang mga nakaligtas sa Israel. Gagawin kitang ilaw ng mga dayuhan, na ikaw ang aking kaligtasan sa dulo ng mundo.”
Isa 42:6 “Ako, si Yahweh, ang tumawag sa iyo sa katuwiran at hahawak sa iyong kamay. Iingatan kita at itatakda kita bilang tipan para sa mga tao, bilang isang liwanag para sa mga dayuhan,
Isa 56:8 ito ang pahayag ng Panginoon na si Yahweh, na siyang nagtitipon sa mga taong pinabayaan sa Israel— titipunin ko pa rin ang iba para idagdag sa kanila.”
Isa 52:13 Masdan, ang aking lingkod ay makikipagkasundo ng may karunungan at katagumpayan: siya ay itataas at dadakilain; siya ay magiging kapuri-puri. 14 Gaya nang maraming nasisindak sa iyo—ang kanyang anyo ay pinapangit, kaya ang kanyang hitsura ay malayo sa anumang anyo ng tao— 15 kaya gugulatin niya ang maraming bansa; ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya. Na kung saan sila hindi nasabihan, makikita nila, na kung saan sila hindi narinig, ay mauunawaan nila.
Mic 4:2 Maraming bansa ang pupunta at sasabihin, “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob. Ituturo niya sa atin ang kaniyang mga kaparaanan at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.” Sapagkat mula sa Zion lalabas ang kautusan, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem.
Zac 8:23 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Sa mga panahong iyon, sampung kalalakihan mula sa bawat wika at bansa ang hahawakan nang mahigpit ang laylayan ng iyong balabal at sasabihin, “Sasama kami sa iyo, sapagkat narinig namin na kasama mo ang Diyos!'''''
Si Jesus ay naparito sa lupa upang iligtas din ang mga Gentil. ( Jn 10:16, Mt 8:11 )
Jn 10:16 Mayroon akong iba pang mga tupa na wala sa tupahang ito. Sila din, kailangan kong dalhin, at makikinig sila sa aking boses upang magkaroon lamang ng isang kawan at isang pastol.
Mt 8:11 Sinasabi ko sa inyo, maraming darating mula sa silangan at kanluran at sila ay sasandal sa mesa ni Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.
Namatay si Hesus para iligtas din ang mga Hentil. (Juan 11:51-52)
Juan 11:51 Ngayon, sinabi niya ito hindi sa kaniyang sariling pagkukusa; sa halip, dahil siya ang pinakapunong pari ng taong iyon, nagpropesiya siya na si Jesus ay dapat mamatay para sa bansa, 52 at hindi para sa bansa lamang, kundi upang tipunin din ni Jesus ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa iba't ibang lugar.
Ipinagkatiwala sa atin ni Jesus ang gawain ng kaligtasan para sa mga Hentil. (Juan 17:20)
Juan 17:20 Hindi ako nanalangin para lang sa mga ito, ngunit pati na rin sa mga mananampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita
Ang ebanghelyo ay ipinangangaral sa mga Gentil. (Gawa 10:45, Gawa 11:18)
Gawa 10:45 Ang mga taong napabilang sa mga mananampalatayang tuli—lahat ng mga sumama kay Pedro— ay namangha, dahil ang kaloob ng Banal na Espiritu ay naibuhos din sa mga Gentil.
Gawa 11:18 Nang marinig nila ang mga bagay na ito, wala silang naisagot sa kaniya, ngunit nagpuri sila sa Diyos at sinabing, “ Kung ganoon ibinigay din ng Diyos sa mga Gentil ang pagsisisi sa buhay.”
Gayundin, dahil hindi tinanggap ng mga Hudyo ang ebanghelyo na si Jesus ang Kristo, ang ebanghelyo ay itinuro na ngayon sa mga Gentil. ( Gawa 13:46 )
Gawa 13:46 Ngunit matapang na nagsalita sina Pablo at Bernabe at sinabi, “Kinakailangan muna na ang salita ng Diyos ay maibahagi sa inyo. Ngunit nakikita kong itinutulak ninyo ito palayo sa inyong sarili at itinuturing ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, tingnan ninyo, pupunta kami sa mga Gentil.