Jn 7:31,41-43
Ang mga himala na ginawa ni Jesus at ang kanyang mga salita ay nagpaisip sa mga Judio kung si Jesus ba ang Kristo. (Jn 7:31,41-43, Jn 10:24)
Jn 7:31 Subalit, marami sa mga tao ang sumampalataya sa kaniya. Sinabi nila, “Kapag dumating ang Cristo, gagawa ba siya ng mas maraming tanda kaysa sa mga ginawa ng taong ito?”
41 Sinabi ng iba, “Ito ang Cristo.” Ngunit sinabi ng iba, “Ano, ang Cristo ba ay mangagaling sa Galilea? 42 Hindi ba sinabi ng mga kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David at mula sa Betlehem, ang nayon kung saan galing si David?” 43 Kaya nagkaroon ng pagbabahagi sa maraming tao dahil sa kaniya.
Jn 10:24 At pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kaniya, “Hanggang kailan mo kami pananatilihing bitin? Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo nang maliwanag.”
Ngunit dahil hindi sila mga tupa ni Kristo, hindi sila naniniwala na si Jesus ang Kristo. (Juan 10:25-26)
Juan 10:25 Sumagot si Jesus sa kanila, “Sinabihan ko kayo, ngunit hindi kayo naniwala. Ang mga gawain na aking ginawa sa ngalan ng aking Ama, ang mga ito ang magpapatotoo patungkol sa akin. 26 Gayunman hindi kayo naniwala dahil hindi ko kayo mga tupa.