Jn 14:29, Isa 46:9-10

Ang Diyos lang ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari. ( Isa 46:9-10 )

Isa 46:9 Isipin ninyo ang mga unang pangyayari, mga nakaraang panahon, dahil ako ang Diyos, wala ng iba, Ako ay Diyos, at walang ibang katulad ko. 10 Ipinapahayag ko ang wakas mula sa pasimula, at mga bagay na mangyayari na hindi pa nangyayari; Sinasabi ko, “magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng nais kong gawin.”

Inihula ni Jesus na isa sa kanyang mga alagad ang magtatraydor sa Kanya. Inihula ni Jesus kung ano ang darating, upang ang Kanyang mga alagad ay maniwala na Siya ang Kristo. (Jn 13:18-19,21, Jn 14:29)

Jn 13:18 Hindi ako nagsasalita tungkol sa inyong lahat, dahil alam ko ang aking mga pinili — ngunit sinasabi ko ito upang ang kasulatan ay maganap: 'Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.' 19 Sinasabi ko ito ngayon sa inyo upang kung ito ay mangyayari, maniniwala kayo na AKO NGA.
21 Nang sinabi ni Jesus ito, siya ay nabagabag sa espiritu at sinabi “Tunay nga sinasabi ko sa inyo, na isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.”

Jn 14:29 Ngayon nasabi ko na sa inyo bago pa ito mangyayari upang kung mangyari man ito, kayo ay maaring maniwala.