Eph 5:2, Jn 15:12-13, 1 Jn 3:23, 1 Jn 4:10-11
Inialay ni Hesus ang kanyang buhay para iligtas tayo. Ang pag-ibig ni Hesus ay ang pag-ibig na nagligtas sa ating mga kaluluwa. Tayo rin ay dapat magkaroon ng pag-ibig na nagliligtas ng mga kaluluwa. (Jn 13:34-35, Jn 15:12-13, Efe 5:2)
Jn 13:34 Binibigyan ko kayo ng isang bagong kautusan, na dapat ninyong mahalin ang bawat isa, kung paano ko kayo minahal, gayundin naman dapat ninyong mahalin ang bawat isa. 35 Sa pamamagitan nito, malalaman ng lahat ng tao na kayo ay aking mga alagad, kung mahahalin niyo ang bawat isa.”
Jn 15:12 Ito ang akin kautusan, na dapat ninyong mahalin ang isa't isa katulad ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Walang sinuman ang nagmahal na hihigit pa rito, na kaniyang inaalay ang kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan.
Efe 5:2 lumakad sa pag-ibig, katulad ng pagmamahal ni Cristo sa atin at pagbigay ng kaniyang sarili sa atin. Siya ay naging alay at handog na naging kalugod-lugod sa Diyos.
Ang utos ng Diyos ay maniwala kay Hesus bilang ang Kristo at mahalin ang mga tao upang iligtas ang kanilang mga kaluluwa. (1 Jn 3:23, 1 Jn 4:10-11)
1 Jn 3:23 At ito ang kanyang kautusan - na tayo ay dapat maniwala sa pangalan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo at mahalin ang bawat isa - gaya ng ibinigay niyang kautusan sa atin.
1 Jn 4:10 Sa ganito ang pag-ibig, hindi dahil minahal natin siya, kundi minahal niya tayo, at pinadala niya ang kanyang Anak na maging kabayaran ng ating mga kasalanan. 11 Minamahal, kung tayo'y lubos na minahal ng Diyos, nararapat din nating mahalin ang bawat isa.