Heb 10:19-20, Jn 1:14,17, Jn 8:32, Jn 18:37, Jn 11:25, 1 Tim 2:5, Gawa 4:12

Si Hesus ang tanging paraan upang makilala ang Diyos. (Jn 14:6, Heb 10:19-20, Gawa 4:12, 1 Tim 2:5)

Jn 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.

Heb 10:19 Kaya naman, mga kapatid, may pananalig tayong makakapasok sa kabanal-banalang lugar sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. 20 Iyon ang paraan na kaniyang binuksan para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang katawan, isang bago at buhay na daan sa pamamagitan ng tabing.

Gawa 4:12 Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas.”

1 Tim 2:5 Sapagkat may iisang Diyos at iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, ang taong si Cristo Jesus.

Si Hesus lamang ang katotohanan. (Jn 1:14,17, Jn 8:32, Jn 18:37)

Jn 1:14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.
17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Jn 8:32 Sumagot sila sa kaniya, “Kami ay mga lahi ni Abraham at hindi kailanman inalipin ng kahit sinuman; paano mo nasabi, 'Kayo ay mapapalaya?”

Jn 18:37 Pagkatapos, sinabi ni Pilato sa kaniya, “Ikaw nga ba ay isang hari?” Sumagot si Jesus, “Sinabi mo na ako ay hari. Ako ay ipinanganak para sa layuning ito, at para sa layuning ito ako naparito sa mundo upang ako ay magpatotoo sa katotohanan. Lahat ng kabilang sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.”

Si Hesus lamang ang ating buhay. (Juan 11:25)

Juan 11:25 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay; ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya ay mamamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;