Jn 15:26, Gawa 5:30-32
Ang Banal na Espiritu ay nagpapaalala sa atin ng itinuro ni Jesus. Itinuro ni Jesus na Siya ang Kristo. (Juan 14:26)
Juan 14:26 Subalit, ang Manga-aliw na ang Banal na Espiritu na ipapadala ng Ama sa aking pangalan ay magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay at magpapaalala ng lahat ng aking sinabi sa inyo.
Ang Banal na Espiritu ay nagpapatotoo na si Jesus ang Kristo. (Juan 15:26)
Juan 15:26 Kapag darating na ang Manga-aliw na siyang aking isusugo sa inyo mula sa Ama, na ang Espiritu ng katotohanan, na nanggaling mula sa Ama, magpapatotoo siya tungkol sa akin.
Ang Banal na Espiritu ay dumating sa mga naniniwala na si Jesus ay ang Kristo. ( Gawa 5:30-32 )
Gawa 5:30 Ang Diyos ng aming mga ama ang bumuhay kay Jesus, na inyong pinatay sa pamamagitan ng pagbitin sa kaniya sa puno. 31 Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan. 32 Mga saksi kami ng mga bagay na ito, at gayundin ang Banal na Espiritu, na ibinigay ng Diyos sa mga susunod sa kaniya.”