Rom 1:16, Rom 3:30, Gal 2:16, Eph 2:8, Rom 10:11, Isa 28:16, Rom 10:13, Joel 2:32
Hiniling ng mga Kristiyanong Hudyo ang batas mula sa mga Kristiyanong Hentil. Pagkatapos ay sinabi ni Pedro na ang kaligtasan ay hindi dumarating sa pamamagitan ng batas, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. ( Gawa 15:5-11 )
Gawa 15:5 Ngunit ilan sa mga kalalakihan na nanampalataya, na kabilang sa pangkat ng mga Pariseo ay tumayo at nagsabi, “Kinakailangan na sila ay matuli at utusan sila na sundin ang kautusan ni Moises.” 6 Kaya nagtipon ang mga apostol at nakatatanda upang pag-usapan ang bagay na ito. 7 Pagkatapos ng mahabang pagtatalo, tumayo si Pedro at sinabi sa kanila “Mga kapatid, alam ninyo na hindi pa nagtatagal ay pumili ang Diyos sa inyo, na sa pamamagitan ng aking bibig kailangang marinig ng mga Gentil ang salita ng ebanghelyo, at manampalataya. 8 Ang Diyos na nakakaalam ng puso ay nagpatotoo sa kanila, ibinibigay sa kanila ang Banal na Espiritu, katulad ng ginawa niya sa atin; 9 at wala siyang tinangi sa atin at sa kanila, ginawa niyang malinis ang kanilang mga puso sa pamamamagitan ng pananampalataya. 10 Ngayon bakit ninyo sinusubukan ang Diyos, na dapat kayong maglagay ng pamatok sa leeg ng mga alagad na kahit ang ating mga ama o maging tayo man ay hindi kayang makadala? 11 Ngunit naniniwala tayo na tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, katulad nila.”
Ang lahat ng naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo ay maliligtas. (Rom 1:16, Rom 3:20, Gal 2:16)
Rom 1:16 Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos upang iligtas ang sinumang sumasampalataya, una ay sa Judio at gayon din sa Griyego.
Rom 3:20 Ito ay dahil walang laman ang mapawawalang-sala sa pamamagitan ng batas sa paningin niya. Sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay dumating ang kaalaman sa kasalanan.
Gal 2:16 alam namin na walang sinuman ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sa halip, pinawalang-sala sila sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo Jesus. Tayo ay nanampalataya kay Cristo Jesus upang maaari tayong mapawalang-sala sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sapagkat sa pammamagitan ng paggawa ng kautusan, walang laman ang mapapawalang-sala.
Ang kaligtasan ay hindi dumarating sa ating mga pagsisikap. Naliligtas ka sa pamamagitan ng paniniwalang si Jesus ang Kristo. (Efe 2:8)
Efe 2:8 Sapagkat sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. At hindi ito nagmula sa amin, kaloob ito ng Diyos.
Ang Lumang Tipan ay nagsasalita ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo. (Rom 10:11, Isa 28:16, Hab 2:4)
Rom 10:11 Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang sinumang nananampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.”
Isa 28:16 Kaya sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo: Maglalagay ako ng isang pundasyong bato sa Sion, isang subok na bato, isang tanging panulukang bato, isang tiyak na pundasyon. Siya na naniniwala ay hindi mapapahiya.
Hab 2:4 Tingnan ninyo! Ang tao na siyang naghahangad nang higit para sa kaniyang sarili nang hindi matuwid, ay isang hambog. Ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya!
Ang sinumang naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo at tumatawag sa Kanya na Panginoon ay maliligtas. (Rom 10:13, Joel 2:32)
Rom 10:13 Sapagkat ang lahat na tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
Joel 2:32 Mangyayari na ang lahat ng tatawag sa pangalan ni Yahweh ay maliligtas. Sapagkat may mga makatatakas sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem, gaya ng sinabi ni Yahweh, at sa mga makaliligtas, ang mga tinawag ni Yahweh.