Gawa 9:20, Gawa 18:5, Lc 4:16, Lc 24:27,44

Sa paglilibot ni Pablo sa sinagoga at ipinaliwanag ang nilalaman ng Lumang Tipan na nabasa niya sa sinagoga, nagpatotoo siya na si Jesus ang Cristo na ipinropesiya sa Lumang Tipan. (Gawa 17:1-3, Gawa 9:20, Gawa 18:5,28)

Gawa 17:1 Ngayon nang dumaan sila sa mga bayan ng Amfipolis at Apolonia, sila ay dumating sa bayan ng Tesalonica, kung saan ay mayroong isang sinagoga ng mga Judio. 2 Tulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa kanila, at sa tatlong araw ng sabbath ay nangatwiran sa kanila mula sa mga kasulatan. 3 Binubuksan niya ang mga kasulatan at nagpapaliwanag na kinakailangan ng Cristo na magdusa at muling mabuhay mula sa mga patay. Sinabi niya, “Itong si Jesus na aking ipinapahayag sa inyo ay ang Cristo.”

Gawa 9:20 Kaagad ay ipinahayag niya si Jesus sa mga sinagoga, sinasasabing siya ang Anak ng Diyos.

Gawa 18:5 Ngunit nang dumating sina Silas at Timoteo sa Macedonia, Inudyukan ng Espiritu si Pablo na magpatotoo sa mga Judio na si Jesus ang Kristo.
28 Lubhang dinaig ni Apolos sa publiko ang mga Judio taglay ang kaniyang kapangyarihan at kahusayan, ipinapakita sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus nga ang Cristo.

Nilibot din ni Jesus ang sinagoga at ipinaliwanag ang mga nilalaman ng Lumang Tipan, na nagpapatotoo na siya ang Cristo na ipinropesiya sa Lumang Tipan. (Lc 4:16)

Lucas 4:16 Isang araw, siya ay pumunta sa Nazaret, ang lungsod na kung saan siya pinalaki. Sa kaniyang nakagawian, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pamamahinga, at tumayo upang basahin ang kasulatan.

Ang Lumang Tipan ay nagsasalita tungkol kay Kristo, at ang Kristo ay si Hesus. ( Lucas 24:27, 44 )

Lucas 24:27 At magmula kay Moises at sa lahat ng propeta, ipinaliwanag ni Jesus sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniyang sarili sa lahat ng mga kasulatan.
44 Sinabi niya sa kanila, “Nang kasama ko kayo, sinabi ko sa inyo na lahat ng nakasulat sa kautusan ni Moises at ng mga propeta at sa Aklat ng Mga Awit ay kailangan matupad.”