Eph 2:8, Titus 3:7, Mt 20:28, Eph 1:7, 1 Tim 2:6, Heb 9:12, 1 Pt 1:18-19

Inihayag ng Diyos ang Kanyang biyaya at katuwiran sa pamamagitan ni Kristo. Ginawa ng Diyos si Jesus na pangpalubag-loob para sa ating mga kasalanan at pinawalang-sala ang mga naniniwala sa Kanya bilang ang Kristo. (Rom 3:23-26)

Rom 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24 Sila ay napawalang-sala nang walang bayad ng dahil sa kaniyang biyaya sa pamamagitan ng katubusan na nakay Cristo Jesus. 25 Sapagkat ipinagkaloob ng Diyos si Cristo bilang pampasuyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang dugo. Inialay niya si Cristo, bilang patotoo sa kaniyang katarungan, dahil sa kaniyang hindi pagpansin sa mga nakaraang kasalanan 26 sa kaniyang pagtityatiyaga. Nangyari ang lahat ng ito para sa pagpapakita ng kaniyang katuwiran sa panahong ito. Ito ay upang kaniyang mapatunayan na siya ay makatarungan at upang ipakitang pinapawalang-sala niya ang sinuman dahil sa pananampalataya kay Jesus.

Tayo ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, na nagbigay sa atin ng Kanyang bugtong na Anak. (Efe 2:8, Tito 3:7)

Efe 2:8 Sapagkat sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. At hindi ito nagmula sa amin, kaloob ito ng Diyos.

Tito 3:7 Ginawa Nya ito, upang, ang mga pinawalang sala sa pamamagitan ng kanyang biyaya, tayo'y maaring maging kabahagi sa kasiguraduhan ng buhay na walang hanggan.

Si Jesus ay naging pangpalubag-loob na hain ng Diyos upang maisakatuparan ang katuwiran ng Diyos. (Efe 1:7, Tito 2:6, Heb 9:12, 1 Pt 1:18-19)

Efe 1:7 Sapagkat sa kaniyang pinakamamahal na anak, nagkaroon tayo ng katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran ng mga kasalanan. Nagkaroon tayo nito dahil sa yaman ng kaniyang biyaya.

Tito 2:6 Sa parehong paraan, himukin ninyo ang mga nakababatang lalake upang maging matino.

Heb 9:12 Hindi ito sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at mga guya, ngunit sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo kaya minsan lamang pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar para sa lahat at tiyakin ang ating walang hanggang katubusan.

1 Pedro 1:18 Alam ninyo na hindi sa mga pilak o ginto— mga bagay na naglalaho— na kayo ay tinubos mula sa hangal na pamumuhay na inyong natutunan sa inyong mga ninuno. 19 Pero kayo ay tinubos sa marangal na dugo ni Cristo, tulad ng isang tupa na walang kapintasan at walang karumihan.