Rom 4:6-9, Aw 32:1, Jn 8:56, Gen 22:18, Gal 3:16

Si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya sa darating na Kristo bago siya tuli. ( Rom 4:1-3, 6-9, Aw 32:1 )

Rom 4:1 Ano ngayon ang sasabihin natin na natuklasan ni Abraham na ating ninuno ayon sa laman? 2 Sapagkat kung pinawalang-sala si Abraham sa pamamagitan ng mga gawa, magkakaroon sana siya ng dahilan upang magmalaki, ngunit hindi sa harapan ng Diyos. 3 Sapagkat ano ang sinasabi ng kasulatan? “Sumampalataya si Abraham sa Diyos at ito ay ibinilang sa kaniya bilang katuwiran.”
6 Nagpahayag din si David ng pagpapala sa taong ibinilang ng Diyos na matuwid na walang gawa. 7 Sinabi niya, “Pinagpala ang mga pinatawad sa kanilang mga katampalasanan, at ang mga taong natakpan ang mga kasalanan. 8 Pinagpala ang tao na hindi bibilangin ng Panginoon ang kaniyang kasalanan.” 9 Kung gayon, ang pagpapalang ito ba ay inihayag sa mga taong tuli lamang, o pati na rin sa mga hindi tuli? Sapagkat sinasabi natin, “Ang pananampalataya ay naibilang kay Abraham na katuwiran.”

Aw 32:1 Mapalad ang tao na pinatawad ang kaniyang pagsuway, na tinakpan ang kaniyang kasalanan.

Si Abraham ay naniwala at nagalak sa pagdating ni Kristo, ang binhi ni Abraham na ipinangako ng Diyos. (Jn 8:56, Gen 22:18, Gal 3:16)

Jn 8:56 Ang iyong amang si Abraham ay nagalak na nakikita ang araw ko; nakita niya ito at natuwa.”

Gen 22:18 Sa pamamagitan ng iyong anak, ang lahat ng mga bansa sa mundo ay pagpapalain, dahil sinunod mo ang aking tinig.

Gal 3:16 Ngayon, ang mga pangako ay sinabi kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan. Hindi nito sinabi, “Sa mga kaapu-apuhan,” na tumutukoy sa marami, kung hindi sa iisa lang. “Sa iyong kaapu-apuhan,” na si Cristo.