Jn 1:1,14, Rev 19:13, 1 Jn 4:9

Si Jesu-Kristo ang kapahayagan ng Salita ng Diyos sa laman. (1 Jn 1:1-2, Jn 1:1,14, Rev 19:13)

1 Jn 1:1 Na kung alinman mula sa simula- na aming narinig, na nakita ng aming mga mata, na aming natunghayan, at nahawakan ng aming mga kamay-patungkol sa Salita ng buhay. 2 At ang buhay ay nagawang ipaalam, at aming nakita, at nasaksihan, at hinayag sa inyo ang buhay na walang hanggan, na noon ay kasama ng Ama, at nagawang ipaalam sa amin.

Jn 1:1 Sa simula pa lamang ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.
14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.

Pahayag 19:13 Nakasuot siya ng balabal na nilublob sa dugo at ang kaniyang pangalan ay Ang Salita ng Diyos.

Upang iligtas tayo, ipinadala ng Diyos si Hesus, ang Salita ng Diyos, sa mundong ito upang gawin ang gawain ni Kristo. (1 Jn 4:9)

1 Jn 4:9 Sa pamamagitan nito ang pag-ibig ng Diyos ay nahayag sa atin, na pinadala ng Diyos ang kanyang bugtong na anak sa mundo upang tayo ay maaring mabuhay sa pamamagitan niya.