Jn 14:6, Jn 1:4, 1 Jn 5:20, Jn 11:25, 1 Jn 5:12

Si Hesus ang ating buhay na walang hanggan. (1 Juan 1:2, Juan 14:6, Juan 1:4)

1 Juan 1:2 At ang buhay ay nagawang ipaalam, at aming nakita, at nasaksihan, at hinayag sa inyo ang buhay na walang hanggan, na noon ay kasama ng Ama, at nagawang ipaalam sa amin.

Juan 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.

Juan 1:4 Sa kaniya ay buhay, at ang buhay na iyon ay liwanag sa lahat ng sangkatauhan.

Ang mga naniwala kay Hesus bilang ang Kristo ay tumanggap ng buhay na walang hanggan. (1 Juan 5:20, Juan 11:25, 1 Juan 5:12)

1 Juan 5:20 Pero alam natin na ang Anak ng Diyos ay dumating at binigyan tayo ng kaunawaan, na kilala natin siya na totoo, at tayo ay nasa kanya na siyang totoo- kahit na sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang totoong Diyos at buhay na walang hanggan.

Juan 11:25 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay; ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya ay mamamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;

1 Juan 5:12 Siya na pinananahanan ng Anak ay may buhay. Siya na hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos ay walang buhay.