Phil 3:21, Col 3:4, 2 Cor 3:18, 1 Cor 13:12,Pahayag 22:4
Sa muling pagbabalik ni Kristo sa lupa, tayo ay mababago sa pagkakahawig ng maluwalhating katawan ni Kristo. (1 Juan 3:2, Fil 3:21, Col 3:4, 2 Cor 3:18)
1 Juan 3:2 Mga minamahal, ngayon tayo ay mga anak ng Diyos, at hindi pa naipahayag kung magiging ano tayo. Alam natin na kapag magpakita si Cristo, tayo ay magiging katulad niya, dahil makikita natin siya bilang siya.
Fil 3:21 Babaguhin niya ang ating mga katawang lupa upang maging mga katawang binuo gaya ng kaniyang maluwalhating katawan, binuo sa pamamagitan ng lakas ng kaniyang kapangyarihan upang mapasailalim sa kaniya ang lahat ng bagay.
Col 3:4 Kapag nagpakita si Cristo na siya ninyong buhay, makikita rin kayong kasama niya sa kaluwalhatian.
2 Cor 3:18 Ngayon tayong lahat na walang takip sa mga mukha ay makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon. Binago tayo sa parehong larawan ng kaluwalhatian mula sa isang uri ng antas ng kaluwalhatian tungo sa isa pa, tulad ng mula sa Panginoon, na Espiritu.
At sa muling pagparito ni Kristo, lubos natin Siyang makikilala. (1 Corinto 13:12, Apocalipsis 22:4)
1 Corinto 13:12 Sa ngayon ang nakikita natin sa salamin ay tila madilim na larawan, ngunit pagkatapos ay mukhaan na. Ngayon ay nalalaman ko ang bahagya, ngunit sa pang-hinaharap lubusan ko ng malalaman na gaya ng lubos na pagkakilala sa akin.
Pahayag 22:4 Makikita nila ang kaniyang mukha at ang kaniyang pangalan ay malalagay sa kanilang mga noo.