Gen 3:15, Heb 2:14, Jn 16:11

Sa Lumang Tipan, inihula na darating si Kristo at dudurugin ang ulo ni Satanas. ( Genesis 3:15 )

Genesis 3:15 Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”

Si Jesus ay dumating sa mundong ito bilang ang Kristo at winasak ang mga gawa ni Satanas. (1 Juan 3:8, Hebreo 2:14, Juan 16:11)

1 Juan 3:8 Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.

Hebreo 2:14 Kaya, dahil lahat ng mga anak ng Diyos ay kabahagi ng laman at dugo, nakibahagi rin si Jesus sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay maaari niyang mapawalang bisa ang may kapangyarihan ng kamatayan, na ibig sabihin, ay ang diyablo.

Juan 16:11 at tungkol sa paghuhukom, dahil ang prinsipe ng mundong ito ay nahatulan na.