Jn 4:42, Jn 3:17, 1 Jn 4:9, 1 Jn 2:2, Lc 2:11, Gawa 5:31, Gawa 13:23

Si Jesus ay naparito sa lupa bilang Tagapagligtas ng mundo. (1 Juan 5:14, Juan 4:42, Juan 3:17, 1 Juan 4:9, Lucas 2:11, Gawa 13:23)

1 Juan 5:14 At ito ang pananalig na mayroon tayo sa kanyang harapan, na kung anuman ang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban, naririnig niya tayo.

Juan 4:42 Sinasabi nila sa babae, “Kami ay naniwala, hindi lamang dahil sa iyong mga salita, sapagkat napakinggan namin siya sa aming sarili, at alam namin na tunay ngang siya ang tagapagligtas ng mundo.”

Juan 3:17 Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo para parusahan ang sangkatauhan, ngunit para ang mundo ay marapat na maligtas sa pamamagitan niya.

1 Juan 4:9 Sa pamamagitan nito ang pag-ibig ng Diyos ay nahayag sa atin, na pinadala ng Diyos ang kanyang bugtong na anak sa mundo upang tayo ay maaring mabuhay sa pamamagitan niya.

Lucas 2:11 Ngayong araw, isang tagapagligtas ang ipinanganak para sa inyo sa lungsod ni David! Siya si Cristo ang Panginoon!

Gawa 13:23 Mula sa kaapu-apuhan ng lalaking ito ay dinala ng Diyos sa Israel ang isang tagapagligtas na si Jesus, katulad ng kaniyang ipinangakong gagawin.

Si Hesus ang Kristo na naging kabayaran para sa ating mga kasalanan at nagpatawad sa ating mga kasalanan. ( 1 Juan 2:2, Gawa 5:31 )

1 Juan 2:2 Siya ang taga-pamayapa para sa ating mga kasalanan, at hindi lang para sa atin, kundi para din sa buong mundo.

Gawa 5:31 Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan.