sa kanya, at siya sa Diyos. (1 Jn 4:15)
Mt 14:33, Mt 16:16, 1 Jn 5:1, Jn 1:12, 1 Jn 2:23, 1 Jn 5:10,12,
Rom 10:9

Si Jesus ay ang Anak ng Diyos. (1 Juan 4:15, Mateo 14:33, Mateo 16:16, 1 Juan 5:10-12, 1 Juan 2:23)

1 Juan 4:15 Sinuman ang kumikilala na si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanya at siya sa Diyos.

Mateo 14:33 At ang mga alagad sa bangka ay sumamba kay Jesus at sinabi, “Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos.”

Mateo 16:16 Sumagot si Simon Pedro at sinabi, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos.”

1 Juan 5:10 Siya na naniniwala sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanyang sarili. Sinumang hindi naniniwala sa Diyos ay ginawa siyang sinungaling, dahil hindi siya naniwala sa patotoo na binigay ng Diyos patungkol sa kanyang Anak. 11 At ang patotoo ay ito- na tayo ay binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak. 12 Siya na pinananahanan ng Anak ay may buhay. Siya na hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos ay walang buhay.

1 Juan 2:23 Walang sinuman ang kumakaila sa Anak ay nasa kaniya ang Ama. Ang sinumang kumikilala sa Anak ay nasa kaniya rin ang Ama.

Si Jesus ay naparito sa lupa upang gawin ang gawain ni Cristo. Ang mga naniniwala na si Jesus ang Kristo ay naging mga anak ng Diyos. (Juan 5:1, Juan 1:12)

Juan 5:1 Pagkatapos nito mayroong isang kapistahan ang mga Judio, at si Jesus ay umakyat pa Jerusalem.

Juan 1:12 Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos,