Pahayag 2:8, Pahayag 22:13, Isa 41:4, Isa 44:6, Isa 48:12
Ang Diyos ang una at ang huli. ( Isa 41:4 , Isa 44:6 , Isa 48:12 )
Isa 41:4 Sino ang nakagawa at nagtupad ng mga gawang ito? Sino ang nagpatawag ng mga henerasyon mula sa simula? Ako, si Yahweh, ang una, at kasama ang mga nahuli, ako ay siya.
Isa 44:6 Ito ang sinasabi ni Yahweh - ang Hari ng Israel at kaniyang Manunubos, Yahweh ng mga hukbo: “Ako ang una, at ako ang huli; walang ibang Diyos kundi ako.
Isa 48:12 Makinig kayo sa akin, Jacob, at Israel, na tinawag ko: Ako ay siya; Ako ang una, Ako rin ang huli.
Si Jesu-Kristo rin ang una at ang huli. (Pahayag 1:17, Pahayag 2:8, Pahayag 22:13)
Pahayag 1:17 Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan tulad ng isang lalaking patay. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot. Ako ang Una at ang Huli,
Pahayag 2:8 Sa anghel ng iglesia ng Smirna isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang una at ang huli—siyang namatay at siyang muling nabuhay:'
Pahayag 22:13 Ako ang Alpa at ang Omega, ang Una at ang Huli, ang Simula at ang Katapusan.