Deut 32:39, 1 Cor 15:54-57,

Ipinropesiya ng Lumang Tipan na wawasakin ng Diyos ang kamatayan magpakailanman at papahirin ang ating mga luha. ( Isa 25:8, Os 13:4 )

Isa 25:8 Lulunukin niya ang kamatayan habang buhay, at ang Panginoong Yahweh ay pupunasan ang mga luha mula sa lahat ng mga mukha; ang mga kahihiyan ng kaniyang bayan ay aalisin niya sa mundo, dahil sinabi na ito ni Yahweh.

Hosea 13:4 Ngunit ako si Yahweh na inyong Diyos, na nagpalabas sa inyo mula sa lupain ng Egipto. Wala kang dapat kilalaning Diyos kundi ako; dapat ninyong kilalanin na liban sa akin, wala nang ibang tagapagligtas.

Nasa Diyos ang lahat ng soberanya. Ang ating buhay at kamatayan ay nasa kamay ng Diyos. (Deut 32:39)

Deut 32:39 Tingnan ninyo ngayon ako, kahit ako, ang Diyos, at walang nang diyos maliban sa akin; ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling, at walang ni isa na makakapagligtas sa inyo mula sa aking lakas.

Nagtagumpay si Hesus sa kamatayan sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus at muling pagkabuhay. Ngayon si Hesus ay may susi sa kamatayan at nagbibigay ng tagumpay sa atin na naniniwala kay Hesukristo. (1 Corinto 15:54-57, Pahayag 1:18)

1 Corinto 15:54 Ngunit kung itong nasisira ay nailagay sa hindi nasisira at ang namamatay na ito ay mailalagay sa hindi namamatay, mangyayari ang tungkol sa kasabihang naisulat, “Nilamon ang kamatayan ng pagtatagumpay.” 55 “Kamatayan, nasaan ang iyong tagumpay? Kamatayan, nasaan ang iyong kamandag?” 56 Ang kamandag ng kamatayan ay kasalanan at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan. 57 Ngunit salamat sa Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

Pahayag 1:18 at ang isa na nabubuhay. Ako ay namatay, pero tingnan mo, ako ay buhay magpakailanman! At nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng hades.