Pahayag 5:5, Isa 22:22, Isa 9:7, Jer 23:5, Pahayag 1:18

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya na ibibigay ng Diyos ang susi ni David kay Kristo, na kanyang ipapadala. Inihula din na ang Kristo ay mamamahala sa sanlibutan magpakailanman. ( Isa 22:22, Isa 9:7 )

Isa 22:22 Ilalagay ko sa kaniyang balikat ang susi ng tahanan ni David; bubuksan niya, at walang sinuman ang makapagsasara; isasara niya, at walang sinuman ang makapagbubukas.

Isa 9:7 Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.

Sa Lumang Tipan, inihula na ang Kristo ay darating bilang isang inapo ni David. (Jeremias 23:5)

Jeremias 23:5 Tingnan ninyo, ang mga araw ay paparating—ito ang pahayag ni Yahweh—kapag magbabangon ako para kay David ng isang matuwid na sanga. Mamumuno siya bilang hari; magdadala siya ng kasaganaan at magpapatupad siya ng katarungan at katuwiran sa lupain.

Ang susi ni David ay ang susi na magbubukas ng mga pintuan ng langit. Si Jesus ang Kristo na may susi ni David. (Pahayag 1:18, Pahayag 3:7, Pahayag 5:5)

Pahayag 1:18 at ang isa na nabubuhay. Ako ay namatay, pero tingnan mo, ako ay buhay magpakailanman! At nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng hades.

Pahayag 3:7 “Sa anghel ng iglesya ng Filadelfia isulat: Ang mga salita ng isa na siyang banal at tunay — hawak niya ang susi ni David, binubuksan niya at walang isang makapagsasara, sinasara niya at walang sinuman ang maaaring magbukas.

Pahayag 5:5 Pero sinabi sa akin ng isa sa mga nakatatanda, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon sa lipi ng Juda, ang Ugat ni David, ay nalupig, at kaya niyang buksan ang balumbon at ang mga selyo nito.”