2 Cor 1:20, Jn 1:3, Kaw 8:22, Col 1:15-16
Si Kristo ang pinagmulan ng paglikha at “Amen.” (Pahayag 3:14)
Pahayag 3:14 Sa anghel ng iglesya sa Laodicea isulat: 'Ang mga salita ng Amen, ang maaasahan at totoong saksi, ang tagapamahala sa nilikha ng Diyos.
Bawat pangako ng Diyos ay nagiging “oo” kay Kristo. ( 2 Corinto 1:20 )
2 Corinto 1:20 Dahil ang lahat ng mga pangako ng Diyos ay “Oo” sa kaniya. Kaya sa pamamagitan din niya, magsasabi tayo ng “Amen” sa kaluwalhatian ng Diyos.
Nilikha ni Kristo ang langit at ang lupa kasama ng Diyos. (Juan 1:3, Colosas 1:15-16, Kawikaan 8:22)
Juan 1:3 Ang lahat nang mga bagay ay nalikha sa pamamagitan niya, at kung wala siya, ay wala kahit isang bagay ang nilikha na nalikha.
Colosas 1:15 Ang anak ay ang larawan ng hindi nakikitang Diyos. Siya ang unang anak sa lahat ng mga nilikha. 16 Sapagkat sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, ang mga nasa langit at ang mga nasa lupa, ang mga nakikita at ang mga hindi nakikita. Maging mga trono o pamahalaan o pamunuan o kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kaniya.
Kawikaan 8:22 Nilikha ako ni Yahweh mula pa noong pasimula — ang una sa kaniyang mga ginawa noong unang panahon.