Jer 3:16-17, Jn 2:19-21

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya na ang kaban ng tipan, isang simbolo ng templo, ay hindi na muling babanggitin. (Jeremias 3:16-17)

Jeremias 3:16 At mangyayari nga na dadami kayo at mamumunga sa lupain sa mga araw na iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh. Hindi na nila sasabihin, “Ang kaban ng tipan ni Yahweh!” Hindi na aalalahanin ng kanilang mga puso ang bagay na ito, sapagkat hindi na nila iisipin ang tungkol dito o bibigyang pansin ito. Ang pahayag na ito ay hindi na gagawin.' 17 Sa oras na iyon ihahayag nila ang tungkol sa Jerusalem, 'Ito ang trono ni Yahweh at magtitipon ang lahat ng bansa sa Jerusalem sa ngalan ni Yahweh. Hindi na sila maglalakad sa katigasan ng kanilang mga masasamang puso.

Si Hesus ang tunay na templo. (Juan 2:19-21)

Juan 2:19 Sumagot si Jesus, “Wasakin ang templong ito, at sa tatlong araw aking itatayo ito.” 20 At sinabi ng mga may katungkulang Judio, “Umabot nang apatnapu't anim na taon para magawa ang templong ito, at itatayo mo ito sa tatlong araw?” 21 Subalit, siya ay nagsasalita tungkol sa templo ng kaniyang katawan.

Ang Diyos at ang Kristo ang tunay na templo. (Pahayag 21:22)

Pahayag 21:22 Wala akong nakitang templo sa lungsod, dahil ang Panginoong Diyos, na siyang namumuno sa lahat, at ang Kordero ang kanilang templo.