Pahayag 22:5, Isa 60:19-20, Jn 1:9, Jn 8:12

Sa Lumang Tipan ay ipinropesiya na hindi na natin kakailanganin ang liwanag ng araw at buwan at ang Diyos ang magiging ating walang hanggang liwanag. ( Isa 60:19-20 )

Isa 60:19 Ang araw ay hindi mo na kailanman magiging liwanag sa maghapon, ni ang liwanag ng buwan ay magliliwanag sa inyo; pero si Yahweh ang inyong magiging walang hanggang liwanag, at ang inyong Diyos ang inyong kaluwalhatian. 20 Ang inyong araw ay hindi na kailanman lulubog, ni ang inyong buwan ay lulubog at mawawala; dahil si Yahweh ang inyong magiging walang hanggang liwanag, at ang mga araw ng inyong pagluluksa ay matatapos na.

Si Hesus ang tunay na liwanag ng mundo. (Juan 1:9, Juan 8:12)

Juan 1:9 Iyon ang tunay na liwanag na dumarating sa mundo at iyon ang nagpapaliwanang sa lahat.

Juan 8:12 Muli nagsalita si Jesus sa mga tao at sinabi, “Ako ang ilaw ng mundo; ang sumusunod sa akin ay hindi na maglalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay.”

Ang liwanag ng araw at buwan ay hindi na kailangan sa langit. Dahil ang Diyos at si Jesucristo ang ating tunay na liwanag. ( Pahayag 21:23, Pahayag 22:5 )

Pahayag 21:23 Hindi na kailangan ng lungsod ang araw o ang buwan para liwanagan ito dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagliliwanag dito, at ang kaniyang ilawan ay ang Kordero.

Pahayag 22:5 Wala nang magiging gabi, hindi na sila mangangailangan ng liwanag ng ilawan o sikat ng araw dahil ang Panginoong Diyos ang magliliwanag sa kanila. Maghahari sila magpakailan pa man.