Rom 3:24, Gen 3:15, 2 Pt 2:5, Heb 11:7, Rom 1:17
Naniwala si Noe sa darating na Kristo dahil nakatanggap siya ng pabor mula sa Diyos. Kaya si Noe ay naging matuwid. (Genesis 3:15, Genesis 6:8-9, Roma 3:24, Roma 1:17)
Genesis 3:15 Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”
Genesis 6:8 Pero nakasumpong si Noe ng pagtatangi sa mata ni Yahweh. 9 Ito ang mga pangyayari patungkol kay Noe. Matuwid, at walang kapintasan si Noe sa gitna ng mga tao sa kanyang kapanahunan. Lumakad si Noe kasama ng Diyos.
Roma 3:24 Sila ay napawalang-sala nang walang bayad ng dahil sa kaniyang biyaya sa pamamagitan ng katubusan na nakay Cristo Jesus.
Roma 1:17 Sapagkat dito ang katuwiran ng Diyos ay naihahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya, gaya ng nasusulat, “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”
Itinayo ni Noe ang arka sa utos ng Diyos, na ipinangangaral ang katuwiran ng Diyos, si Kristo. (2 Pedro 2:5, Hebreo 11:7)
2 Pedro 2:5 At hindi rin niya kinaawaan ang sinaunang mundo. Sa halip, itinira niya si Noe, ang mensahero ng katuwiran, kasama ang pitong iba pa, nang nagdala ng baha ang Diyos sa mundo ng mga hindi maka-diyos.
Hebreo 11:7 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Noe, ay binalaan ng Diyos ukol sa mga bagay na hindi pa nakita, nang may maka-diyos na paggalang ay gumawa ng isang daong upang mailigtas ang kaniyang pamilya. Sa paggawa nito, hinatulan niya ang mundo at naging tagapagmana ng katuwiran na nanggagaling sa pananampalataya.