Gen 3:15, Gen 9:16, Gen 22:18, Gal 3:16, Dan 9:26, Heb 8:8

Ang tipan na ipinangako ng Diyos kay Noe ay ang darating na Kristo. (Gen 6:18, Gen 3:15, Gen 9:16)

Gen 6:18 Subalit itatatag ko ang aking tipan sa iyo. Papasok ka sa arka, ikaw, at ang iyong mga anak na lalaki, iyong asawa at mga asawa ng iyong mga anak.

Gen 3:15 Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”

Gen 9:16 Ang bahag-hari ay mapapaloob sa mga ulap at makikita ko ito, upang gunitain ang walang hangang kasunduan sa pagitan ng Diyos at bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman na nasa mundo.”

Ang tipan na ipinangako ng Diyos kay Abraham ay ang darating na Kristo. ( Gen 22:18, Gal 3:16 )

Gen 22:18 Sa pamamagitan ng iyong anak, ang lahat ng mga bansa sa mundo ay pagpapalain, dahil sinunod mo ang aking tinig.

Gal 3:16 Ngayon, ang mga pangako ay sinabi kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan. Hindi nito sinabi, “Sa mga kaapu-apuhan,” na tumutukoy sa marami, kung hindi sa iisa lang. “Sa iyong kaapu-apuhan,” na si Cristo.

Ang tipan na ipinangako ng Diyos kay Daniel ay ang darating na Kristo. (Dan 9:26)

Dan 9:26 Pagkatapos ng pito na tig-aanimnapu't dalawang taon, ang isang hinirang ay malilipol at mawawalan. Wawasakin ng hukbo ng isang parating na pinuno ang lungsod at ang banal na lugar. Darating ang katapusan nito sa pamamagitan ng baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa huli. Ang pagkawasak ay itinakda na.

Ang tipan na ipinangako ng Diyos kay Jeremias ay ang darating na Kristo. (Hebreo 8:8)

Hebreo 8:8 Sapagkat nang nakatagpo ang Diyos ng pagkakamali sa mga tao, sinabi niya,”'Tingnan ninyo, darating ang mga araw,' sabi ng Panginoon, 'na Ako ay gagawa ng bagong tipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.