Natanggap ni Jacob ang pagpapala mula sa kanyang amang si Isaac na kunin ang Canaan, ang lupain kung saan darating si Kristo. ( Gen 27:26-29 , Hebreo 11:20 )

Gen 27:26 Sinabi ng kanyang amang si Isaac, “Lumapit ka sa akin at hagkan mo ako, anak ko.” 27 Lumapit si Jacob at hinalikan siya, at naamoy niya ang amoy ng kanyang damit at pinagpala siya. Sinabi nya, “Tingnan mo, ang amoy ng aking anak ay katulad ng amoy ng isang bukid na pinagpala ni Yahweh. 28 Nawa bigyan ka ng Diyos ng isang bahagi ng hamog ng langit, isang bahagi ng katabaan ng lupa, at masaganang mga butil at bagong alak. 29 Nawa ang mga tao ay maglingkod sa iyo at yumuko sa iyo ang mga bansa. Maging amo ka ng iyong mga kapatid na lalaki, at nawa ang mga anak ng iyong ina ay yumuko sa iyo. Nawa ang bawat isang sumumpa sa iyo ay sumpain; at nawa ang bawat isang magpala sa iyo ay pagpalain.”

Hebreo 11:20 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na pinagpala ni Isaac sina Jacob at Esau tungkol sa mga bagay na darating.

Ang lupaing ipinangako ng Diyos sa mga Israelita ay Canaan, ang lupain kung saan darating si Kristo. (Deut. 7:13, Deut. 11:9, Deut. 33:28)

Deut. 7:13 Mamahalin, pagpapalain, at pararamihin niya kayo; pagpapalain niya rin ang bunga ng inyong mga katawan at bunga ng inyong lupain, inyong butil, inyong bagong alak, at ang inyong langis, ang pagpaparami ng inyong mga baka at ang inyong mga batang kawan, sa lupain na ipinangako niya sa inyong mga ama na ibibigay niya sa inyo.

Deut. 11:9 at mapapahaba ninyo ang mga araw ninyo sa lupaing pinangako ni Yahweh sa inyong mga ama na ibigay sa kanila at sa kanilang mga kaapu-apuhan, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.

Deut. 33:28 Nawa'y ang Israel ay mamumuhay na may kaligtasan. Ang bukal ni Jacob ay ligtas sa isang lupain ng butil at bagong alak; tunay nga, hayaan ang langit na bumagsak ang hamog sa kaniya.

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya na si Kristo ay ipanganganak sa Bethlehem sa lupain ng Canaan. (Mic 5:2)

Mic 5:2 Ngunit ikaw Bethlehem Efrata, kahit ikaw ay maliit sa mga angkan ni Juda, mula sa iyo ay may darating sa akin upang pamunuan ang Israel, na ang pinagmulan ay sa mga unang panahon, mula sa walang hanggan.

Si Hesus ang Kristo na isinilang sa Bethlehem sa lupain ng Canaan ayon sa propesiya ng Lumang Tipan. ( Mateo 2:4-6 )

Mateo 2:4 At tinipon ni Herodes ang lahat ng mga punong pari at mga eskriba ng mga tao, at tinanong niya ang mga ito, “Saan ipapanganak ang Cristo?” 5 Sinabi nila sa kaniya, “Sa Bethlehem ng Judea, sapagkat ito ang isinulat ng propeta, 6 'At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Judah, ay hindi pinakahamak sa mga pinuno ng Judah, sapagkat sayo magmumula ang isang pinuno na magpapastol sa aking mga taong Israelita.'”