Jn 1:51, Jn 14:6, Gawa 4:12, Mc 15:38, Heb 10:20
Sa isang panaginip nakita ni Jacob ang isang hagdan na umaabot sa langit at mga anghel na umaakyat at bumababa dito. ( Gen 28:12 )
Gen 28:12 Siya ay nanaginip at nakakita ng hagdanang itinayo sa mundo. Ang tuktok nito ay umaabot sa langit at ang mga anghel ng Diyos ay akyat-panaog doon.
Sinabi ni Jesus na ang langit ay mabubuksan at makikita ng mga tao ang mga anghel na umaakyat at bumababa sa kanya. (Juan 1:51)
Juan 1:51 Sinabi ni Jesus, “Totoo, totoo itong sinasabi ko sa iyo, makikita mong magbukas ang mga kalangitan, at ang mga anghel ng Diyos ay umaakyat at bumababa sa kinaroroonan ng Anak ng Tao.”
Si Hesus ang tanging paraan upang makilala ang Diyos. (Juan 14:6, Gawa 4:12)
Juan 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
Gawa 4:12 Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas.”
Sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus, binuksan ni Hesus ang daan upang makilala ang Diyos. ( Marcos 15:38, Heb 10:20 )
Marcos 15:38 Napunit sa dalawa ang kurtina ng templo mula itaas hanggang ibaba.
Heb 10:20 Iyon ang paraan na kaniyang binuksan para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang katawan, isang bago at buhay na daan sa pamamagitan ng tabing.