Isa 53:5,10, Jn 1:29, Heb 9:26
Sa Lumang Tipan, ang mga Israelita ay nag-alay ng mga handog para sa kasalanan sa Diyos upang mapatawad ang kanilang mga kasalanan. (Lev 5:15)
Lev 5:15 “Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
Ang Lumang Tipan ay nagpropesiya na si Kristo ay magiging isang handog para sa kasalanan sa Diyos upang patawarin ang ating mga kasalanan. ( Isa 53:5, 10 )
Isa 53:5 Pero sinaksak siya dahil sa ating mga ginawang paghihimagsik; nadurog siya dahil sa ating mga kasalanan. Ang kaparusahan para sa ating kapayapaan ay nasa kanya, at pinagaling niya tayo sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.
10 Ito ay kalooban ni Yahweh para durugin siya at gawin siyang masama; at kung ginagawa niyang handog ang kanyang buhay para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang mga anak, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kalooban ni Yahweh ay matutupad sa pamamagitan niya.
Si Hesus ang Kordero ng Diyos na nag-alis ng ating mga kasalanan. (Juan 1:29)
Juan 1:29 Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, “Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo!
Inihandog ni Hesus ang kanyang sarili bilang hain sa Diyos nang minsan para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. (Heb 9:26)
Heb 9:26 Kung iyan ay totoo, kakailanganin niyang maghirap ng maraming ulit mula pa ng likhain ang mundo. Ngunit ngayon minsan na lamang siyang naipahayag hanggang sa katapusan ng panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kaniyang sarili.