Ex 29:42, Num 28:3,6, Deut 8:3, Jn 6:51, Heb 13:15

Inutusan ng Diyos ang mga pari na panatilihing hindi namamatay ang apoy sa altar ng mga handog na sinusunog. ( Lev 6:9, 12 )

Lev 6:9 “Utusan mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, at sabihin mo, 'Ito ang batas ng handog na susunugin: Dapat nasa ibabaw ng dapog ng altar ang handog na susunugin sa buong gabi hanggang umaga, at pananatilihing umaapoy ang apoy ng altar.
12 Pananatilihing umaapoy ang apoy sa ibabaw ng altar. Hindi ito dapat mamatay, at ang pari ay magsusunog ng kahoy sa ibabaw nito tuwing umaga. Aayusin niya ang handog na pambayad para sa kasalanan ayon sa pangangailangan nito, at kaniyang susunugin dito ang taba ng mga handog pangkapayapaan.

Inutusan ng Diyos ang mga Israelita na mag-alay ng mga handog na sinusunog araw-araw. ( Exo 29:42, Bil 28:3,6 )

Exo 29:42 Ang mga ito ay magiging palagiang handog na susunugin sa buong salinlahi ng inyong bayan. Dapat mong gawin ang mga ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa aking harapan, si Yahweh, kung saan ako makikipagkita para makipag-usap sa iyo.

Bil 28:3 Dapat mo ring sabihin sa kanila, 'Ito ang alay na ipinaraan sa apoy na dapat mong ihandog kay Yahweh—mga lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan, dalawa bawat araw, bilang isang karaniwang alay na susunugin.
6 Ito ay karaniwang alay na susunugin na inutos sa Bundok Sinai upang magbigay ng isang matamis na halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.

Ipinaalam ng Diyos sa mga Israelita na dapat silang mamuhay ayon sa salita ng Diyos araw-araw, kung paanong ang mga tao ng Israel ay kumakain ng manna araw-araw. (Deut 8:3)

Deut 8:3 Ibinaba niya kayo, at ginutom, at pinakain kayo ng manna, na hindi ninyo alam kung ano, ni ng inyong mga ninuno, ni ng inyong mga ama. Ginawa niya ang mga iyon para malaman ninyo na ang mga tao ay hindi lamang nabubuhay sa tinapay, kung hindi, ito ay sa pamamagitan ng bawat salita na nagmumula sa bibig ni Yahweh kaya nabubuhay ang mga tao.

Si Jesus ang tinapay ng buhay. Kailangan nating malaman nang malalim na si Jesus ang Kristo araw-araw. (Juan 6:51, 2 Pedro 3:18)

Juan 6:51 Ako ang buhay na tinapay na nagmula sa langit. Kung sinuman ang kumain ng ilang tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman para sa buhay ng mundo.

2 Pedro 3:18 Ngunit, lumago kayo sa biyaya at kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kaniya ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. Amen!