Titus 3:5, Efe 2:7-9, Hab 2:4, Rom 1:17

Sa Lumang Tipan, ang dahilan kung bakit nakuha ng mga Israelita ang lupain ng Canaan ay hindi dahil sa kanilang katuwiran, kundi dahil sa panunumpa ng Diyos sa kanilang mga ninuno, sina Abraham, Isaac, at Jacob. (Deut 9:5)

Deut 9:5 Hindi ito dahil sa inyong pagkamatuwid o sa kabutihan ng inyong puso na makakapasok kayo para angkinin ang kanilang lupain; pero dahil sa kasamaan ng mga bansang ito kaya't papaalisin sila ng inyong Diyos palabas mula sa inyong harapan, at para magawa niyang tuparin ang salita na pinangako niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, Isaac, at Jacob.

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya na ang mga tao ay magiging matuwid sa pamamagitan ng paniniwala kay Kristo. (Hab 2:4)

Hab 2:4 Tingnan ninyo! Ang tao na siyang naghahangad nang higit para sa kaniyang sarili nang hindi matuwid, ay isang hambog. Ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya!

Sa biyaya ng Diyos, tayo ay naligtas sa pamamagitan ng paniniwala kay Hesus bilang ang Kristo. (Roma 1:17, Tito 3:5, Efeso 2:7-9)

Roma 1:17 Sapagkat dito ang katuwiran ng Diyos ay naihahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya, gaya ng nasusulat, “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”

Tito 3:5 eto ay hindi sa pamamagitan na ating makatuwirang mga nagawa, kundi dahil sa kanyang habag kaya tayo ay naligtas. Niligtas nya tayo sa pamamagitan ng paghuhugas ng bagong kapanganakan at pagpapabago sa pamamagitan ng Banal na Espirito.

Efeso 2:7 Ginawa niya ito upang sa darating na panahon, maipakita niya sa atin ang kaniyang dakila at masaganang biyaya. Ipinakita niya ito sa atin sa pamamagitan ng kaniyang kabutihan kay Cristo Jesus. 8 Sapagkat sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. At hindi ito nagmula sa amin, kaloob ito ng Diyos. 9 Hindi ito dahil sa mga gawa. Bilang resulta, walang sinuman ang maaaring magmalaki.