Deut 9:11-13, 22-24, Gawa 7:51-52, Gawa 3:14-15

Sa Lumang Tipan, ang mga Israelita na umalis sa Ehipto ay palaging nagrerebelde sa Diyos. (Deut. 9:6-7, Deut. 9:11-13,22-24)

Deut. 9:6 Kaya alamin ninyo, na hindi nagbigay si Yahweh na inyong Diyos sa inyo nitong masaganang lupain para angkinin dahil sa inyong pagkamatuwid, sapagkat kayo'y suwail na sangkatauhan. 7 Alalahanin ninyo at huwag kalimutan kung paano ninyo ginalit si Yahweh na inyong Diyos sa ilang; mula sa araw na iniwan ninyo ang lupain ng Ehipto hanggang sa nakarating kayo sa lugar na ito, naging suwail kayo laban kay Yahweh.

Deut. 9:11 Nangyari ito sa matapos ang apatnapung araw at apatnapung gabing iyon ng ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na bato, ang mga tipak ng kautusan. 12 Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Tumayo ka, agad na bumaba mula rito, dahil dinungisan ng iyong mga tao na dinala mo palabas ng Ehipto ang kanilang mga sarili. Agad silang lumihis sa landas na aking iniutos sa kanila. Gumawa sila para sa kanilang sarili ng isang hinulmang hugis.' 13 Dagdag pa rito, nagsalita si Yahweh sa akin at sinabing, 'Nakita ko ang mga taong ito; mga taong matitigas ang ulo.
22 Sa Tabera, sa Massa, at sa Kibrot Hataava, ginalit ninyo si Yahweh ng matindi. 23 Nang ipinadala kayo ni Yahweh mula sa Kades Barnea at sinabing, 'Humayo at angkinin ang lupain na ibinigay ko sa inyo,' pagkatapos naghimagsik kayo laban sa utos ni Yahweh na inyong Diyos, at hindi kayo naniwala o nakinig sa kaniyang boses. 24 Naging suwail kayo laban kay Yahweh mula sa araw na nakilala ko kayo.

Ang mga Israelita, na noon pa man ay naghimagsik laban sa Diyos, sa wakas ay pinatay ang Kristo na isinugo ng Diyos. (Gawa 7:51-52, Gawa 3:14-15)

Gawa 7:51 Kayong mga tao, na mapagmatigas at hindi tuli sa puso at mga tainga, lagi ninyong nilalabanan ang banal na Espiritu; ginawa ninyo ang kagaya ng ginawa ng inyong mga ninuno. 52 Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga naunang propeta na nagpahayag sa pagdating ng Matuwid; at kayo rin ngayon ang mga nagkanulo at mga pumatay sa kaniya,

Gawa 3:14 Inyong itinakwil Ang Banal at Ang Matuwid, at sa halip hiniling ninyo na mapalaya ang isang mamamatay tao para sa inyo. 15 Pinatay ninyo ang Prinsipe ng buhay, na binuhay ng Diyos mula sa mga patay -at kami ang mga saksi ng mga ito.