Sa Lumang Tipan, inihula na ang Diyos ay magpapadala ng isang propeta tulad ni Moises upang makipag-usap sa atin. ( Deuteronomio 18:15, 18 )

Deuteronomio 18:15 Magtatatag si Yahweh na inyong Diyos ng isang propeta para sa inyo na mula sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, katulad ko. Dapat kayong makinig sa kaniya.
18 Magtatatag ako ng isang propeta para sa kanila mula sa kanilang mga kapatid, na katulad mo. Ilalagay ko ang aking mga salita sa kaniyang bibig, at sasabihin niya sa kanila ang lahat ng iniutos ko sa kanila.

Naglingkod si Moises bilang hari, propeta, at saserdote ng Israel. (Deut 34:10, Lev 8:15, Ex 32:31)

Deut 34:10 Walang ibang tumayong propeta sa Israel tulad ni Moises, na siyang kilala ni Yahweh mukha sa mukha.

Lev 8:15 Pinatay niya ito, at kinuha niya ang dugo at inilagay niya ito sa mga sungay ng altar gamit ang kaniyang daliri, nilinisan ang altar, binuhusan ng dugo ang patungan ng altar, at ibinukod ito para sa Diyos para sa kabayaran ng kasalanan para dito.

Ex 32:31 Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabing, “Naku, ang mga taong ito ay nakagawa ng malaking kasalanan at gumawa ng kanilang mga sariling gintong diyos-diyosan.

Si Moises ay kumilos bilang isang propeta. (Deut 34:10)

Deut 34:10 Walang ibang tumayong propeta sa Israel tulad ni Moises, na siyang kilala ni Yahweh mukha sa mukha.

Naglingkod si Moises bilang isang pari. (Lev 8:15)

Lev 8:15 Pinatay niya ito, at kinuha niya ang dugo at inilagay niya ito sa mga sungay ng altar gamit ang kaniyang daliri, nilinisan ang altar, binuhusan ng dugo ang patungan ng altar, at ibinukod ito para sa Diyos para sa kabayaran ng kasalanan para dito.

Si Moises ang pastol at hari ng Israel. ( Exo 32:31-32 )

Exo 32:31 Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabing, “Naku, ang mga taong ito ay nakagawa ng malaking kasalanan at gumawa ng kanilang mga sariling gintong diyos-diyosan. 32 Pero ngayon, pakiusap patawarin mo ang kanilang kasalanan; pero kung hindi ninyo gagawin, pawiin mo ako sa aklat na iyong isinulat.”

Si Hesus ang Kristo. (Hari, Propeta, Pari)

(Hari) Mateo 27:11 Ngayon, nakatayo si Jesus sa harap ng gobernador, at tinanong siya ng gobernador, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus sa kaniya, “Ikaw na ang nagsabi.”

(Propeta) Juan 4:19 Ang sabi ng babae sa kaniya, “Ginoo, nakikita kong ikaw ay isang propeta.

(Pari) Hebreo 5:5 Maging si Cristo ay hindi pinarangalan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglalagay sa kaniyang sarili bilang pinakapunong- pari. Sa halip ay sinabi ng Diyos sa kaniya, ''Ikaw ay aking Anak, ngayong araw na ito ako ay naging iyong Ama.” 6 Ito ay katulad lang din ng kaniyang sinabi sa ibang lugar, ''Ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec.” 7 Sa panahon ng kaniyang laman, nag-alay siya ng mga panalangin at mga kahilingan, nakikiusap ng may pagluha sa Diyos, na may kakayahang makapagliligtas sa kaniya mula sa kamatayan. Dahil sa kaniyang paggalang sa Diyos, siya ay pinakinggan. 8 Bagama't siya ay anak, natutunan niya ang pagsunod mula sa mga bagay na kaniyang tiniis. 9 Siya ay ginawang ganap at sa pamamaraang ito, siya ang dahilan ng walang hanggang kaligtasan para sa bawat isang sumusunod sa kaniya, 10 na itinalaga ng Diyos bilang pinaka-punong pari ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

Ang Diyos ay nagpadala ng isang propetang tulad ni Moises para sa atin, ang Kristo Hesus. ( Gawa 3:20-24 )

Gawa 3:20 at kaniyang isusugo si Jesus, ang hinirang na Cristo para sa inyo. 21 Ang Nag-iisa, na kinakailangan tanggapin sa langit, hanggang sa panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay, tungkol sa mga sinabi ng Diyos noon sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta. 22 Sa katunayan sinabi ni Moises, 'Ang Panginoong Diyos ay magbabangon ng propeta tulad ko mula sa inyong mga kapatid. Makikinig kayo sa lahat ng kaniyang sasabihin sa inyo. 23 Mangyayari na ang lahat ng tao na hindi makikinig sa propetang ito ay tiyak na malilipol mula sa mga tao.' 24 Oo, at lahat ng mga propeta na mula kay Samuel at mga sumunod pagkatapos niya, nagsalita sila at nagpahayag sa mga araw na ito.