Jn 19:30-31, Gal 3:13, 2 Cor 5:21
Sa Lumang Tipan, ang isang taong namatay sa isang puno ay isinumpa ng Diyos. (Deut 21:22-23)
Deut 21:22 Kung ang isang tao ay nakagawa ng isang kasalanan na karapat dapat para sa kamatayan at patayin siya, at ibitin ninyo siya sa isang puno, 23 sa gayon ang kaniyang katawan ay hindi dapat manatili ng buong gabi sa puno. Sa halip, dapat ninyo tiyakin at ilibing siya sa araw ding iyon; sapagka't sinumang ibinitin ay isinumpa ng Diyos. Sundin ang kautusang ito ng sa ganoon hindi ninyo madungisan ang lupain na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.
Si Hesus ay namatay sa krus sa ilalim ng sumpa ng Diyos sa ating lugar upang iligtas tayo. (Juan 19:30-31, Galacia 3:13, 2 Corinto 5:21)
Juan 19:30 Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu. 31 Noon ay Paghahanda, at upang hindi manatili ang katawan sa krus habang Araw ng Pamamahinga, (sapagkat ang Araw ng Pamamahinga ay isang mahalagang araw), hiniling ng mga Judio kay Pilato na ang mga binti ng mga lalaking ipinako ay baliin, at ibaba na ang kanilang mga katawan.
Galacia 3:13 Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan noong siya ay naging sumpa para sa atin. Sapagkat nasusulat, “Sinumpa ang sinumang ibinitin sa isang puno.”
2 Corinto 5:21 Si Jesus ay ginawa niyang handog para sa ating mga kasalanan. Siya na hindi kailan man nagkaroon ng kasalanan. Ginawa niya ito upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa kaniya.