Deut 18:15, Jn 5:19, Jn 6:14, Jn 12:49-50, Jn 8:26, Gawa 3:20-24, Jn 1:14, Lc 13:33, Jn 14:6
Sa Lumang Tipan, hinirang ng Diyos si Samuel bilang isang propeta upang ang lahat ng mga salita ni Samuel ay natupad. ( 1 Samuel 3:19-20 )
1 Samuel 3:19 Lumaki si Samuel, at kasama niya si Yahweh at wala sa kanyang mga salitang inihula ang nabigong magkatotoo. 20 Nalaman ng buong Israel mula Dan hanggang Beer-seba na hinirang si Samuel upang maging isang propeta ni Yahweh.
Sa Lumang Tipan, ipinangako ng Diyos na magpapadala siya ng isang propeta tulad ni Moises. (Deut 18:15)
Deut 18:15 Magtatatag si Yahweh na inyong Diyos ng isang propeta para sa inyo na mula sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, katulad ko. Dapat kayong makinig sa kaniya.
Si Jesus ang Kristo, ang propetang tulad ni Moises, na ipinangako ng Diyos na ipapadala sa atin. ( Gawa 3:20-24 )
Gawa 3:20 at kaniyang isusugo si Jesus, ang hinirang na Cristo para sa inyo. 21 Ang Nag-iisa, na kinakailangan tanggapin sa langit, hanggang sa panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay, tungkol sa mga sinabi ng Diyos noon sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta. 22 Sa katunayan sinabi ni Moises, 'Ang Panginoong Diyos ay magbabangon ng propeta tulad ko mula sa inyong mga kapatid. Makikinig kayo sa lahat ng kaniyang sasabihin sa inyo. 23 Mangyayari na ang lahat ng tao na hindi makikinig sa propetang ito ay tiyak na malilipol mula sa mga tao.' 24 Oo, at lahat ng mga propeta na mula kay Samuel at mga sumunod pagkatapos niya, nagsalita sila at nagpahayag sa mga araw na ito.
Si Hesus ang tunay na propeta na naghahatid ng salita ng Diyos sa atin. (Juan 5:19, Juan 6:14, Juan 12:49-50, Juan 8:26)
Juan 5:19 Sinagot sila ni Jesus, “Tunay nga, walang magagawa ang Anak sa kaniyang sarili lamang, maliban lamang sa anong nakikita niya na ginagawa ng Ama, sapagkat anuman ang ginagawa ng Ama, ang mga bagay na ito ay ginagawa din ng Anak.
Juan 6:14 At nang makita ng mga tao ang tandang ito na kaniyang ginawa, sinabi nila, “Ito ang tunay na propeta na siyang darating sa mundo.”
Juan 12:49 Sapagkat hindi ako nagsalita mula sa aking sarili. Sa halip ang Ama na siyang nagsugo sa akin, na siyang nagbigay sa akin ng utos tungkol sa kung ano ang aking dapat sabihin at dapat ipahayag. 50 Alam ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; kaya iyong mga sinasabi ko—na ayon sa sinasabi ng Ama sa akin, ay sinasabi ko sa kanila.”
Juan 8:26 Marami akong mga bagay na sasabihin at hahahtulan tungkol sa inyo. Subalit, ang nagpadala sa akin ay totoo; at ang mga bagay na narinig ko sa kaniya, ang mga ito ay sinasabi ko sa mundo.”
Si Hesus ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao. (Juan 1:14)
Juan 1:14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.
Si Hesus ang tunay na propeta na siyang tanging paraan upang makilala ang Diyos. (Juan 14:6)
Juan 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.