1 Sam 10:1,6-7, 1 Sam 12:19,22, 1 Jn 3:8, Heb 2:14, Col 2:15, Jn 16:33, Jn 12:31, Jn 16:11, Col 1:13, Zac 9:9, Mt 16:28, Fil 2:10, Pahayag 1:5, Pahayag 17:14

Sa Lumang Tipan, naglagay ang Diyos ng mga hari upang iligtas ang mga tao ng Israel mula sa kanilang mga kaaway. ( 1 Samuel 9:16-17, 1 Samuel 10; 1,6-7 )

1 Samuel 9:16 “Bukas sa mga ganitong oras ipapadala ko sa iyo ang isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin, at papahiran mo siya ng langis para maging prinsipe ng aking bayang Israel. Ililigtas niya ang bayan ko mula sa kamay ng mga Filisteo. Dahil naawa ako sa aking bayan sapagkat nakarating sa akin ang paghinigi nila ng tulong sa akin.” 17 Nang makita ni Samuel si Saul, sinabi ni Yahweh sa kanya, “Siya ang lalaking sinabi ko sa iyo! Siya ang mamamahala sa aking bayan.”

1 Samuel 10:1 Pagkatapos kumuha si Samuel ng isang bote ng langis at ibinuhos ito sa ulo ni Saul, at hinalikan siya. Sinabi niya, “Hindi ba pinahiran ka ng langis ni Yahweh para maging tagapamahala ng kanyang pamana?
6 Agad na darating sa iyo ang Espiritu ni Yahweh at huhula ka kasama nila, at mababago ka sa isang kakaibang lalaki. 7 Ngayon, kapag dumating sa iyo ang mga palatandaang ito, gawin mo anumang masumpungang gawin ng iyong kamay, sapagkat kasama mo ang Diyos.

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya na ang tunay na hari ng Israel ay darating na nakasakay sa isang asno. (Zac 9:9)

Zac 9:9 Sumigaw ka nang may labis na kagalakan, anak na babae ng Zion! Sumigaw ka nang may kasiyahan, anak na babae ng Jerusalem! Masdan ninyo! Parating sa inyo ang inyong hari nang may katuwiran at ililigtas kayo. Mapagpakumbaba at sasakay siya sa isang asno, sa anak ng isang asno.

Ang mga haring itinatag sa Lumang Tipan ay hindi perpekto at walang hanggang mga hari. Ibinangon ng Diyos si Kristo, ang perpekto at walang hanggang Hari, upang sirain ang ating kaaway, ang diyablo. (1 Juan 3:8, Hebreo 2:14)

1 Juan 3:8 Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.

Hebreo 2:14 Kaya, dahil lahat ng mga anak ng Diyos ay kabahagi ng laman at dugo, nakibahagi rin si Jesus sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay maaari niyang mapawalang bisa ang may kapangyarihan ng kamatayan, na ibig sabihin, ay ang diyablo.

Sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus, nadaig ni Jesus ang pinuno ng sanlibutan, si Satanas, at iniligtas tayo mula sa kamay ni Satanas. (Col 2:14-15, Juan 16:33, Juan 12:31, Juan 16:11, Col 1:13, Filipos 2:10)

Col 2:14 Binura niya ang nakasulat na tala ng mga pagkaka-utang at ang mga tuntunin na laban sa atin. Tinanggal niya ang lahat ng mga ito at ipinako ito sa krus. 15 Tinanggal niya ang mga kapangyarihan at mga kapamahalaan. Lantaran niya silang ibinunyag at dinala sila sa matagumpay na pagdiriwang sa pamamagitan ng kaniyang krus.

Juan 16:33 Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Sa mundo, kayo ay mayroong mga kabalisahan, subalit lakasan ninyo ang inyong loob; napagtagumpayan ko na ang mundo.

Juan 12:31 Ngayon na ang paghuhukom nitong mundo. Ngayon itataboy ang prinsipe ng mundong ito.

Juan 16:11 at tungkol sa paghuhukom, dahil ang prinsipe ng mundong ito ay nahatulan na.

Col 1:13 Sinagip niya tayo mula sa pamamahala ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kaniyang minamahal na Anak.

Filipos 2:10 Ginawa niya ito upang ang lahat ay luluhod sa pangalan ni Jesus, ang mga nasa langit at sa lupa, at ang mga nasa ilalim ng lupa.

Sa katapusan ng mundo, si Kristo Jesus, ang Hari ng mga hari, ay darating muli upang ganap na puksain si Satanas. (Mt 16:28, Pahayag 1:5, Pahayag 17:14)

Mt 16:28 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, may mga ilan sa inyo na nakatayo dito na hindi makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa kaniyang kaharian.”

Pahayag 1:5 at mula kay Jesu-Cristo, siyang matapat na saksi, ang panganay sa mga patay, at ang tagapamahala ng mga hari sa mundo. Sa kaniya na umiibig sa atin, at nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo,

Pahayag 17:14 Makikipag-digma sila laban sa Kordero. Pero lulupigin sila ng Kordero dahil siya ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari — at kasama niya ang mga tinawag, ang mga pinili, ang mga matapat.”