Gen 49:10, Gawa 2:36, Col 1:15-16

Sa Lumang Tipan, hinirang ng Diyos si David bilang pinuno ng Israel pagkatapos ni Haring Saul. ( 2 Samuel 5:2 )

2 Samuel 5:2 Sa nakaraang panahon, nang si Saul pa ang hari sa ating lahat, ikaw itong nangunguna sa hukbo ng Israelita. Sinabi ni Yahweh sa iyo, 'Magiging pastol ka ng aking bayan ng Israel, at magiging pinuno ka ng buong Israel.'''

Sa Lumang Tipan, ipinropesiya na si Kristo ay darating bilang isang inapo ni Juda at magiging tunay na Hari. ( Genesis 4:10 )

Genesis 4:10 Sinabi ni Yahweh, “Ano ang ginawa mo? Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa.

Ginawa ng Diyos si Hesus na Panginoon at Kristo. (Gawa 2:36)

Gawa 2:36 Kaya naman siguraduhing ipaalam sa lahat ng tahanan sa Israel na ginawa siya ng Diyos na parehong Panginoon at Cristo, ang Jesus na ito na ipinako ninyo sa krus.”

Si Hesus ay Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Ang lahat ng bagay ay nilikha para kay Jesus, ang Kristo. ( Col 1:15-16 )

Col 1:15 Ang anak ay ang larawan ng hindi nakikitang Diyos. Siya ang unang anak sa lahat ng mga nilikha. 16 Sapagkat sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, ang mga nasa langit at ang mga nasa lupa, ang mga nakikita at ang mga hindi nakikita. Maging mga trono o pamahalaan o pamunuan o kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kaniya.