Mc 11:7-11, Jn 12:13, 1 Jn 1:3-4, Lc 2:10-11

Sa Lumang Tipan, nang ilipat ni Haring David ang kaban ng Diyos mula sa bahay ni Obed-edom patungo sa Lungsod ni David, ang mga tao ng Israel ay napuno ng kagalakan. ( 2 Samuel 6:12-15 )

2 Samuel 6:12 Ngayon sinabihan si Haring David, “Pinagpala ni Yahweh ang bahay ni Obed Edom at lahat ng bagay na pag-aari niya dahil sa kaban ng Diyos.” Kaya pumunta si David at dinala ang kaban ng Diyos mula sa bahay ni Obed Edom patungo sa lungsod ni David nang may kagalakan. 13 Nang nakaanim na hakbang ang mga nagdadala ng kaban ni Yahweh, nag-alay siya ng isang toro at isang matabang baka. 14 Sumayaw si David sa harapan ni Yahweh nang ng kaniyang buong kalakasan; nagsuot lamang siya ng isang linong epod. 15 Kaya dinala ni David at ng buong kabahayan ng Israel ang kaban ni Yahweh na may sigawan at tunog ng mga trumpeta.

Nang sumakay si Jesus sa Jerusalem sakay ng asno, maraming Israelita ang napuspos ng kagalakan. ( Marcos 11:7-11, Juan 12:13 )

Marcos 11:7 Dinala ng dalawang alagad ang bisiro kay Jesus at nilatagan nila ito ng kanilang kasuotan upang masakyan niya. 8 Maraming mga tao ang naglatag ng kanilang mga kasuotan sa daan at mayroon din namang naglatag ng mga sanga na pinutol nila mula sa bukirin. 9 Ang mga nauuna at sumusunod sa kaniya ay sumisigaw ng, “Hosanna! Pinagpala ang sinumang pumaparito sa pangalan ng Panginoon. 10 Pagpalain ang pagdating ng kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!” 11 Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa loob ng Jerusalem at tumuloy sa templo at tumingin sa paligid at sa lahat ng mga bagay. Ngayon, dahil hapon na, pumunta siya sa Bethania kasama ang Labindalawa.

Juan 12:13 kumuha sila ng mga sanga sa mga puno ng palma, at lumabas upang salubungin siya at sumigaw: “Osana! Pinagpala siya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel!”

Si Kristo, na inihula sa Lumang Tipan, ay dumating na. Na si Kristo ay si Hesus. Kapag naniniwala tayo na si Jesus ang Kristo, napupuno tayo ng kagalakan. ( Lucas 2:10-11, 1 Juan 1:3-4 )

Lucas 2:10 Pagkatapos, sinabi ng anghel sa kanila, “Huwag kayong matakot, sapagkat ako ay may dala sa inyong mabuting balita na magbibigay ng lubos na kagalakan sa lahat ng tao. 11 Ngayong araw, isang tagapagligtas ang ipinanganak para sa inyo sa lungsod ni David! Siya si Cristo ang Panginoon!

1 Juan 1:3 Iyon na aming nakita at narinig inihayag din namin sa inyo, sa gayon ay magkaroon kayo ng pakikisama sa amin, at ang aming pakikisama ay kasama ang Ama at kasama ang kanyang Anak na si Jesu-Cristo. 4 At sinulat namin ang mga bagay na ito sa inyo upang ang aming kagalakan ay maging ganap.